Home METRO Repair work sa Magallanes Flyover inilipat sa Oktubre

Repair work sa Magallanes Flyover inilipat sa Oktubre

MANILA, Philippines – Inilipat sa Oktubre na dapat sana ay ngayong buwan, ang rehabilitasyon para sa Magallanes Flyover.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes nitong Miyerkules, Mayo 22, ang pagsasaayos ng EDSA-Kamuning flyover ay dapat munang maunang tapusin.

“After na raw po ng Kamuning, so October na po magsisimula yung pagsasara pero sa gabi lamang. Hindi na po sila magsasara sa araw,” ani Artes.

Ang scheduled closure ng Magallanes flyover ay mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga.

Samantala, sisimulan naman ang konstruksyon ng pansamantalang tulay habang isinasaayos ang Guadalupe Bridge sa Setyembre.

Dahil dito, inabisuhan ni Artes ang publiko sa posibilidad ng mas matinding daloy ng trapiko. RNT/JGC