Manila, Philippines – Tinutuksong “Paul Walker ng Pilipinas” ang 3:16 Media Network talent na si Itan Rosales dahil sa new movie niya sa Vivamax titled Kaskasero.
Sexy action-thriller ito na ‘The Fast and the Furious’ ang peg na napakaraming racing scenes at umaatikabong aksyon, hindi lang sa racetrack kundi sa loob din ng sasakyan.
Walang pag-aatubiling inamin ni Itan na game siyang makipag-chorvahan sa loob ng kotse and in real life ay sa racing at bed scenes lang siya kaskasero dahil loyal siya sa babae.
Sina Christine Bermas at Angela Morena ang mga kasama niya sa pelikula.
Thankful si Itan sa direktor na pinagkatiwalaan siyang mag-lear kahit di niya kaya mag-drive ng kotse na manual, automatic lang.
“Di ako ganun kabilis magpatakbo ng sasakyan. Takot ako kasi may time na nadisgrasya ako sa pagda-drive,” kwento ni Itan.
In real life ay hindi pa niya naranasang mangromansa sa loob ng sasakyan pero kung mangyayari man, dahil sa init sa Pilipinas ay mas gugustuhin niyang sa labas gaya ng hood imbes sa loob.
Isa si Itan sa talents ni Len Carillo na may-ari ng 3:16 Media Network na dumalo sa 56th birthday ng kilalang manager ng sexy stars na si Lito de Guzman. Trixie Dauz