Home NATIONWIDE Sana all: Pasok sa Baguio gov’t maagang sinsuspinde para sa Valentines date

Sana all: Pasok sa Baguio gov’t maagang sinsuspinde para sa Valentines date

BAGUIO CITY – Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Baguio nitong Huwebes na suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno mula 3 p.m. sa Pebrero 14 upang bigyang-daan ang mga empleyado na ipagdiwang ang Araw ng mga Puso kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon sa Memorandum Order No. 30, Series of 2025, layunin ng suspensyon na bigyan ng kalidad na oras ang mga empleyado ng city hall para sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.

Hindi sakop ng suspensyon ang mga nasa frontline services tulad ng kapayapaan at kaayusan, pangongolekta ng buwis, disaster risk management, CCTV at emergency operations, sanitasyon, at kalusugan upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa publiko. RNT