MANILA, Philippines – Naghain ng pormal na reklamo ang anak ng aktor na si Niño Muhlach laban sa dalawang indibidwal na sinasabing independent contractor ng GMA sa National Bureau of Investigation (NBI).
Si Sandro Muhlach ay sinamahan ng kanyang ama sa NBI.
Nang kapanayamin ng GMA ang batang aktor sumagot ito na “Hindi po ako OK pero kakayanin ko po,”
Sa isang pahayag, sinabi ng GMA Network na nakatanggap ito ng pormal na reklamo mula kay Sandro laban sa dalawang GMA independent contractors, na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Sinabi naman ni Niño Muhlach na tutugunan niya ang isyu kapag natapos na silang magsampa ng kasong kriminal sa insidente.
Samantala, sinabi ni Atty. Maggie Abraham-Garduque, ang legal counsel nina Nones at Cruz, na ang mga paratang ay hindi sumasalamin sa tunay na mga salaysay ng kaganapan at nakalaan sa kanila ang karapatang tumugon sa tamang paraan kapag nakatanggap sila ng kopya ng pormal na reklamo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)