Home ENTERTAINMENT Sandro, naiinip na sa pagkakatengga!

Sandro, naiinip na sa pagkakatengga!

Manila, Philippines – Mula nang mangyari ang umano’y pagyurak sa kanyang dangal hanggang ngayon ay hindi pa muling nakakabalik sa trabaho si Sandro Muhlach.

Ito ang ibinahagi ng kanyang amang si Niño Muhlach sa Fast Talk with Boy Abunda.

But as far as Sandro’s social life daw is concerned ay unti-unti na itong bumabalik sa dati.

Bukod sa suporta mula sa kanyang pamilya, malaking tulong din daw kay Sandro ang encouragement from his girlfriend.

Of late, nakakalabas na raw ang Sparkle artist, nagpupunta sa mga concerts at iba pa.

Hindi raw kagaya noong kasagsagan ng kaso when Sandro would shut his windows in his room.

Ayaw din daw nitong pinag-uusapan ang tungkol sa kanyang kaso dahil muli lang bumabalik sa alaala niya ang sinapit niya sa kanyang mga sexual molesters.

Desisyon na rin daw ni Sandro na mag-lay low sa showbiz until he will have completely gotten over the trauma brought about by the incident.

Hinihintay lang daw ni Niño na sabihin sa kanya ng anak na: “Papa, gusto ko nang magtrabaho uli sa showbiz!”

Tingin daw ng dating child wonder, baka nga magsilbi pang therapy sa anak ang muling pagiging aktibo nito–realizing also the fact na ramdam niyang nami-miss nito ang umarte.

Samantala, tinanong ni Boy si Niño kung handa ba niyang patawarin ang dalawang creative workers who wronged his son.

Sagot ni Niño: “Madali namang magpatawad, eh. Dapat lang nilang pagbayaran ang ginawa nila. Kahit naman makulong sila, puwede ko naman silang patawarin.” Ronnie Carrasco III