MANILA, Philippines – Muling isinulong ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang adbokasiya para sa pagpapalakas ng fiscal autonomy ng sangay ng hudikatura.
Binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng judicial indipendence at ang pagtiyak ng mahusay na paghahatid ng hustisya.
Bilang isa sa mga may-akda ng mungkahing hakbang, ibinahagi ni Go ang kanyang mga pananaw sa kritikal na repormang tinatalakay.
“The judicial branch of the government performs several undertakings that are vital in guaranteeing that the rule of law is appropriately upheld and that justice is duly served in the legal system,” sabi ni Go na binigyang-diin ang pangangailangang bigyang laya ang hudikatura mula sa mga hadlang sa pananalapi.
Nakatuon ang talakayan sa Senate Bill Nos. 1996, 2111, at 2659, na sama-samang nilalayong bigyan ang sangay ng hudikatura ng kontrol sa badyet nito.
Miyembro ng Senate committee on justice, ang bersyon ng batas ni Go, ang SBN 2111, ay tumitiyak na ang badyet na inihanda ng Korte Suprema ay maisasama sa pambansang badyet nang walang rebisyon. Gayunpaman, ang Department of Budget and Management (DBM) ay maaaring magmungkahi ng pagsasaayos, ngunit pagkatapos ng written consultations sa Korte Suprema o sa Punong Mahistrado.
Sa kasalukuyan, ang budget ng hudikatura ay napapasailalim pa rin sa regular na proseso ng pagbabadyet, at dumadaan sa DBM para sa paghahanda at pagpapalabas ng badyet, paliwanag ni Go.
Idiniin ni Go na mahalaga ang awtomatikong paglalabas ng badyet.
“The DBM is also mandated to automatically release to the Supreme Court, without need for any request, the monthly cash requirements of the judiciary,” ani Go.
Kinikilala ang mga hamon na kinakaharap ng hudikatura, nagpahayag si Go ng tiwala sa potensyal ng panukalang batas na patibayin ang kalayaan ng hudikatura.
“It is important to note that the fiscal autonomy of the Judicial Branch is closely tied to its independence and ability to function effectively,” sabi ni Go.
“Sa pamamagitan ng panukalang ito, inaasahan natin na matutulungan natin ang pagbibigay ng hustisya sa bawat kasong nakasalang sa ating mga korte sa mabilis at patas na paraan.”
Pinasalamatan ni Go ang chairperson ng komite na si Senator Koko Pimentel, at si Senador Migz Zubiri, na co-author din ng panukala at umaasa siya na isasaalang-alang ito bilang isang mahalagang hakbang upang mapakinabangan ang kapasidad ng sangay ng hudikatura.
Ang inisyatibang ito ay hindi ang unang pagsisikap ni Go sa pagsusulong ng mga reporma sa hudikatura.
Inihain din niya ang SBN 1186, na lilikha ng karagdagang mga dibisyon sa Court of Appeals at humirang ng marami pang mahistrado upang mapabuti, mapabilis at maaasahan ang sistema ng hustisya sa bansa.