Home METRO Pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, pinaghahandaan ng Bulacan

Pagdiriwang ng ika-128 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, pinaghahandaan ng Bulacan

3
0

BULACAN, Philippines – Nanawagan si Bulacan Governor Daniel Fernando sa mga Bulakenyo na isabuhay ang mga aral ng mga bayani at pangalagaan ang kalayaang kanilang ipinaglaban habang naghahanda ang lalawigan para sa pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.

Gaganapin ang paggunita sa makasaysayang Barasoain Church sa Lungsod ng Malolos, na kilala bilang “Cradle of Democracy in the East.” Magsisimula ang programa alas-7 ng umaga sa pangunguna ni Francis M. Navarro ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) bilang panauhing pandangal.

May temang “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan” ang pagdiriwang at tampok dito ang wreath-laying ceremony sa harap ng bantayog ni Emilio Aguinaldo. Makikilahok din sina Vice Governor Alexis C. Castro, Malolos Mayor Christian D. Natividad, at Vice Mayor Gilbert T. Gatchalian.

“Sa gaganapin po nating pagdiriwang, sana ay isabuhay natin ang mga aral na iniwan ng ating mga bayani sa ating kasaysayan, lalo na ang aral ng paglaya mula sa mga mananakop. Ang kalayaan pong ito na ating tinatamasa ay isang pamanang marapat lamang nating pag-ingatan at pagyamanin pa,” saad ni Gob. Fernando.

Patuloy na binibigyang-diin ng paggunita sa Malolos ang mahalagang papel ng Bulacan sa kasaysayan ng bansa at ang pangangalaga sa pamana ng kalayaan para sa susunod na henerasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here