Home HOME BANNER STORY Habagat, magpapaulan sa Hilagang Luzon

Habagat, magpapaulan sa Hilagang Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magdadala ang Southwest Monsoon o Habagat ng mga pag-ulan sa hilagang bahagi ng Luzon ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Babuyan Islands dahil sa Habagat.

Samantala, ang frontal system o pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin ay magdudulot ng maulap na panahon na may kalat-kalat na ulan at isolated thunderstorms sa Batanes.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar kapag lumakas ang ulan at thunderstorms.

Naitala ang pinakamataas na temperatura na 34.3°C sa Science Garden, Quezon City alas-1 ng hapon noong Miyerkules, habang ang pinakamababang temperatura ay 27.4°C alas-5 ng umaga. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here