Home NATIONWIDE Sandro niregaluhan ni PBBM ng sex book

Sandro niregaluhan ni PBBM ng sex book

MANILA, Philippines – Niregaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang anak na si Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, ng sex book na may pamagat na “Sex for Lazy People: 50 Effortless Positions So You Can Do It Without Overdoing It.”

Nagdiwang ng ika-30 taong kaarawan si Sandro noong Marso 7.

“I have my own present for you. Because you are practically a senior citi-son, I found you this guide, ‘Sex for Lazy People.’ It is in the mail. Read it well. It will help you. Happy birthday, Sandro,” ani Marcos sa kanyang pinakahuling vlog.

Inabisuhan din ng Pangulo ang kanyang anak at iba pa na papasok na sa edad na 30 na, “learn to slow down when you must.”

“Listen to your body. Don’t burn the candle at both ends too much,” ani Marcos.

Dagdag pa, nagpayo pa ang Pangulo sa mambabatas na huwag ikompromiso ang ilang prinsipyo katulad ng Diyos, pamilya at bansa.

Samantala, binigyan naman ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ng libro ang kanyang anak na may pamagat na
“Be More Taylor: Fearless Advice on Following Your Dreams and Finding Your Voice.”

Pagpapahalaga sa family values at paghingi ng tawad sa mga magagawan ng kasalanan, ang kanyang payo sa anak. RNT/JGC

Previous articleBirth month ni Mayor Strike Revilla, laging kasiyahan ng Bacooreños
Next articlePrize freeze ipinatupad sa dalawang bayan sa Oriental Mindoro na sinalanta ng El Niño