Manila, Philippines – Maayos daw na naitawid ni Sandro Muhlach ang una sa maraming sessions ng conseling na kailangan niyang pagdaanan.
Bunsod nga ito sa napaulat na trauma dulot ng umano’y sexual harassment na sinapit niya sa dalawang creative talents ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
So far, maayos-ayos na raw ngayon ang disposisyon ni Sandro.
Ito’y matapos ngang bumuhos ang suporta ng kanyang buong pamilya’t mga kaibigan.
May ilan pa raw counseling sessions na nakaiskedyul para kay Sandro.
Idinulog na rin ng mag-amang Niño Muhlach at Sandro sa National Bureau of Investigation o NBI ang kaso.
Malinaw naman kasing nabanggit ng dating child wonder na: “Inumpisahan n’yo, tatapusin ko!”
Determinado ngang makamit ni Niño ang karampatang hustisya para sa anak.
As we all know, sa ngayon ay tinanggalan na ng trabaho sa GMA si Nones.
Balita kasing pinalitan na siya bilang second unit director ng upcoming series na Prinsesa ng City Jail.
Si Nones din dapat ang magdidirek ng isang episode ng Magpakailanman pero pinalitan na rin siya.
Nagkaroon ito ng domino effect sa trabaho naman ni Cruz bukod sa mga naapektuhang creative work ni Nones.
Ang GMA talent arm na Sparkle mismo ang nangunguna sa counseling ni Sandro. Ronnie Carrasco IIi