Manila, Philippines – Nagkaroon ng lakas ng loob ang singer na si Gerald Santos dahil sa kasong kinapapalooban ni Sandro Muhlach.
Ayon sa mang-aawit, relate much daw siya sa karanasang ibinahagi ni Sandro laban sa dalawang may katungkulang contractor sa GMA.
Maging si Gerald ay produkto rin ng GMA, partikular na ng singing search na Pinoy Pop Superstar.
Kung matatandaan, si Regine Velasquez ang host nito.
Taong 2006 nang sumali roon si Gerald na kinse anyos pa lang.
Hindi nagbigay ng mga detalye si Gerald pero mahihinuhang biktima rin siya ng kaparehong kaso ng kay Sandro.
Eighteen years man ang nakalipas, ang paglantad daw ni Sandro ay nakapagpaalala kay Gerald ng kanyang sinapit.
Hindi nga raw niya mapigilang maluha.
Ang masaklap daw kasi sa kaso niya, nakapagsumbong nga raw siya sa mga kinauukulan pero pinayuhang mag-move on na lang daw.
With Sandro’s courage in coming forward, wari’y nabuhayan si Gerald na makakamit nito ang hinihinging hustisya.
Ipinagpapasalamat din ni Gerald na merong social movement na Me, Too kung saan ang mga miyembro nito’y may pare-parehong karanasan ng sekswal na pang-aabuso.
Samantala, nagbalik din sa alaala ang kaso noon ni Gretchen Fullido laban sa mga umano’y nakaengkuwentro niya sa newsroom. Ronnie Carrasco IIi