Home METRO Sanggol, 2 pa tigok sa granada sa Marawi shootout

Sanggol, 2 pa tigok sa granada sa Marawi shootout

1
0

MARAWI CITY — Dalawang lalaki ang nasawi sa engkuwentro habang nagsisilbi ng warrant of arrest ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar sa Barangay Tampilong, Marawi City, habang nasawi rin kalaunan ang isang anim na buwang gulang na sanggol na nasugatan sa pagsabog ng granada.

Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), isinagawa ang operasyon dakong alas-11 ng gabi noong Sabado, Agosto 29, upang arestuhin ang isang alyas “Engineer” na nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Sinabi ng pulisya na papalapit na ang mga operatiba sa target na lugar nang paputukan umano sila ng mga armadong lalaki, dahilan upang gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Dalawa sa mga umano’y kasama ng target ang nasawi sa engkuwentro, habang nakatakas si alyas “Engineer” at patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Ayon pa sa police report, isang granada na umano’y iniwan ng tumatakas na target ang sumabog at tumama sa sanggol.

Isinugod sa ospital ang bata ngunit kalaunan ay idineklarang patay, ayon kay PRO-BAR spokesperson Capt. Steffi Salanguit.

Patuloy ang pursuit operation laban kay alyas “Engineer” habang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here