Home METRO Sanggol pinatay ng ama bago magbigti dahil sa selos

Sanggol pinatay ng ama bago magbigti dahil sa selos

205
0

MANILA, Philippines – Natagpuang wala ng buhay ang labing isang buwan na batang lalaki samantalang nakabigti ang ama nito sa pinto ng tinitirhang bahay sa Brgy South Daang Hari, Taguig City dakong 12:50 makapananghali ng Hulyo 31, 2024.

Kinilala ng pulisya ang biktimang sanggol na lalaki na 11 buwang gulang na isinugod pa sa ospital pero idineklarang dead on arrival ng doktor, habang kinilala naman ng pulisya ang amang si John Erick Maribao, 22-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-away sina Erick at live in partner nito dahil sa selos.

Umalis ang ina ng baby at naiwan si Erick na sinasabing tinakpan ng unan ang mukha ng sanggol bago magbigti gamit ang belt. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here