Home NATIONWIDE Sanggol tumanggap ng P400K confidential funds ni VP Sara – PSA

Sanggol tumanggap ng P400K confidential funds ni VP Sara – PSA

4
0

MANILA, Philippines – Isang taong gulang na sanggol ang isa sa 25 kataong tumanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte sa Office of the Vice President at Department of Education mula 2022 hanggang 2023, ayon sa isang statistician ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa impeachment court.

Sa ginanap na impeachment trial nitong Lunes, sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) assistant national statistician Marizza Grande na may ilang receipients ng confidential funds ni Duterte ay pawang menor de edad.

Ayon kay Grande, may single-match entries, na nagsasabing may ilang menor de edad ang ilan sa tumanggap ng confidential funds ni Duterte sa panunungkulan nito bilang kalihim ng DepEd.

“Based po doon sa verification namin, nakita namin na as per record, meron pong 20 na menor de edad doon po sa OVP list,” ayon kay Grande.

“Doon naman po sa DepEd list, based on records po, meron pong limang menor de edad based sa kanilang mga birth certificates,” giit niya.

Aniya, ilan sa pangalan na kanilang natuklasan sa listahan ng OVP  na tumanggap ng confidential funds base sa  acknowledgement receipts na binanggit ng  prosecution ang mga sumusunod:

1.     Miko Alquizar – tumanggap ng P400,000 na confidential funds noong March 28, 2023; at ipinanganak noong June 11, kaya halos isang taon lamang siya sa panahon na iyon.

2.     Beatrice Cuenca – tumanggap ng  P400,000 na confidential funds noong March 13, 2023; na ipinanganak ng Jan. 7, 2022, kaya isang taon gulang pa lamang siya nang tumanggap ng pobdo.

3.     Mikay delos Reyes – tumanggan ng P200,000 na confidential funds noong March 27, 2023; ipinanganak nitong Jan. 13, 2020, kaya tatlong taong gulang lamang siya noon.

4.     Marlin Sunga – pinakabatang tumanggap ng confidential funds pero base sa records ng PSA, ipinanganak ito noong 1965 at namatay din ng taong iyong noong Nobyembre 2 na pawang dalawang buwang gulang lamang.

Nilinaw naman ni Grande na lahat ng impormasyon ay base sa PSA records pero hindi nito kayang patunayan na sila mismo ang tumanggap ng confidential funds ng OVP at DepEd.

Ngunit ang naturang pangalan ang nakalista sa isinumiteng pangalan ng OVP at DepEd na tumanggap ng confidential funds base sa acknowledgement receipts na nakuha ng Commission on Audit (COA). Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here