Home OPINION SANIB PUWERSA NG KONGRESO, BOC VS RICE HOARDERS EPEKTIBO

SANIB PUWERSA NG KONGRESO, BOC VS RICE HOARDERS EPEKTIBO

WALANG kawala ang mga buwayang nagtatago ng tone-
toneladang bigas sa malalaking bodega makaraang inspeksyunin
ng gobyerno sa pangunguna nina House Speaker Martin
Romualdez, AKO Bicol Partylist Representative at Chairman ng
House Committee on Appropriations Elizaldy Co,Deputy Majority
Leader at ACT-CIS Partylist Representative Erwin Tulfo, at ilang
opisyal ng Bureau Of Customs kung saan tumambad sa mga ito
ang libo-libong sako ng pangunahing pagkain ng mga Pinoy sa
gitna nang nararanasang krisis ng sambayanang umabot na
hanggang 60 piso ang bawat kilo nito.

Malaking tulong sa mamamayan ang itinuturing na kauna-
unahang hakbang ng mga mambabatas sa labas ng Kongreso na
sabayan ang isinasagawang raid ng BOC alinsunod sa kautusan
ni Pangulong Bongbong Marcos para maibaba ang presyo ng
bigas na sadyang pahirap ngayon sa nakararaming kababayang
kakarampot na nga ang kinikitang kulang talaga sa pantustos sa
pagkain ng mga gutom na pamilya.

Ito rin ang solusyon ng gobyerno noong kasagsagan nang biglang
pagsirit ng presyo ng sibuyas at asukal kung saan naibaba na sa
resonableng taripa matapos ilunsad ng awtoridad ang sunod-
sunod na raid sa mga dambuhalang bodega at masakote ang
mga laman nitong walang kaukulang permiso naman hinggil sa
importasyon.

Bagaman ipinag-utos na ni PBBM sa mga kinauukulang ahensya
na imonitor ang ibinigay na taripa ng bigas na mula 41 hanggang
45 piso lang ang presyo nito sa mga tindahan subalit kailangan
pa rin seguruhing sumusunod nga ang mga negosyanteng may
iilan pa ring sangkot sa sindikato ng rice hoarding.

At hindi lang sa NCR dapat tutukan ang pagsasagawa ng
inspeksyon sa mga warehouse kundi kailangang pasukin din ng
mga awtoridad ang naglalakihang bodega sa Kabisayaan at
Minadanao na pinaniniwalaang may mga galamay din ang
sindikato.

Isusunod din ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio ang
pagpapatupad ng balasahan sa hanay ng ahensya upang
matukoy ang ilang opisyal na kakutsaba nitong mga buwayang
negosyanteng itinatago ang bigas upang lumabas na may rice
shortage nga sa bansa upang sila naman ang magpasasa sa
lampas-taong presyo nito sa taumbayan.