Home OPINION PANGANGALAGA

PANGANGALAGA

TATLONG bagyo ang pumasok sa Philippine Area of
Responsibility o PAR noong isang linggo.   Bagama’t hindi nag-
landfall, grabe pa rin ang epekto ng mga ito, dahil hinigop at
pinalakas nito ang hanging habagat.   Ang resulta, malalakas naulan sa Luzon hilaga at gitnang Luzon, baha sa kabuuan ng
Metro Manila at malamang milyun-milyong piso na naman na
pinsala.

Dalawang araw na walang pasok ang buong NCR, mas matagal
pa sa ibang mga syudad at bayan.  Kawawa ang mga estudyante
at mga nagtatrabaho dahil basa sa ulan, nabaha at hirap
sumakay.

Sa totoo lang, parang ilang beses ko nang nagamit sa kolum
kong ito ang mga malungkot at nakadidismayang ganap kapag
tuwing dumadaan sa atin ang bagyo.   Pero ngayon nga, ni hindi
man lang nag-land fall pero grabe pa rin ang mga pahirap na
nararanasan natin.

Walang duda, galit na nga si Inang Kalikasan sa osbrang abuso
sa kanya, kaya kakaiba na rin ang hagupit ng mga bagyo.   Pero
sa totoo lang, hindi lang naman kasi yung lakas ng hangin ang
dala ng bagyo.   Mas nagiging mapinsala ang sobrang dami ng
tubig-ulan.   Kapag rumagasa na ang ulan ayan na agad ang
mga  baha at mga landslide o pagguho ng lupa, dahil wala na nga
ang mga gubat at kalbo na ang kabundukan natin kaya mas
nagigimbal tayo.

Nagigimbal pero hindi pa rin natuto.

Noong Sept. 1, 2023, inilunsad ang “Season of Creation” ng
Simbahan Katolika.  Layunin ng “panahon” na ito na bigyan diin
ang pag-intindi sa kalikasan at ang pagrespeto at pagmamahal sa
sangnilikha.   Kung talaga raw na  mahal natin ang Diyos, dapat
ay mahalin din natin ang lahat ng kanyang nilikha, lalo na ang
ating tahanang mundo.

Sana nga makita ng maraming tao sa kanilang mga puso na ang
pangagalaga sa kalikasan at planeta ay pangangalaga na rin sa
ating mga buhay.