Home NATIONWIDE P41-P45 price cap sa bigas mabigat pa rin sa bulsa – farmers’...

P41-P45 price cap sa bigas mabigat pa rin sa bulsa – farmers’ group

MANILA, Philippines- Kahit na nagtakda ang pamahalaan ng P41 hanggang P45 rice price ceiling, nananatiling “unaffordable” ang presyo nito sa bansa dahil na rin sa mataas na halaga ng iba pang bilihin sa gitna ng taas-presyo ng produktong petrolyo.

Ito ay ayon sa farmers’ group Kilusang Magbubukid ng Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na sinabing pwede pang mapababa ang presyo ng bigas saP37 kada kilo.

Sinabi ng KMP na ang rice supply na ibinebenta sa retailers ay mula sa nakaraang ani na nabili nila sa farmgate price na P16 hanggang P20 kada kilo.

“Dapat talagang maibaba ang presyo ng bigas dahil hindi na katanggap-tanggap sa masa ang nakapamahal na presyo nito,” giit ni KMP Chairperson Danilo Ramos.

Hinikayat ng KMP ang publiko na manatiling mapagbantay sa rice crisis, na direktang nakaaapekto sa “primary staple” ng bansa.

“We must continue asserting our right to food. The rice issue is political as much as it is a major economic concern,” anito.

Samantala, sinabi ni Ramos na mayroong ibang mapagsamantalang traders na ginagamit ang sitwasyon para kumita nang malaki.

“The  government’s successive raids of rice warehouses would be only for show if nobody will be punished and brought before the law.”

Kamakaualan, inaprubahan ni Pangulo at Agriculture Secretary Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang rekomendasyon na magtakda ng rice price cap sa bansa.

Sa pamamagitan ng Executive Order (EO) No. 39, ang mandated price ceiling para sa regular milled rice at P41 kada kilo, at P45 kada kilo para sa well-milled rice. RNT/SA