Home NATIONWIDE Santo Papa nakipagkita sa pamilya ng mga bihag ng Hamas

Santo Papa nakipagkita sa pamilya ng mga bihag ng Hamas

131
0

VATICAN – Nakipagpulong si Pope Francis sa mga kamag-anak ng ilang Israeli na binihag ng Hamas sa pag-atake noong Oktubre 7, sinabi ng Vatican.

Nauna nang nakilala ng Papa ang grupo ng kamag-anak ng mga bihag sa Vatican noong Nobyembre , parehong araw ng pakikipagkita sa mga Palestinian na may pamilya sa Gaza.

Nagkaroon ng pribadong pakikipanayam kay Francis noong Lunes, ang limang Pamilyang Israeli na nagpapakita sa kanya ng mga poster ng kanilang mahal sa buhay na kinuha.

Sa kanyang pagsasalita noong Linggo matapos ihatid ang kanyang weekly Angelus prayer sa Vatican, inulit ng papa ang panawagan niya para sa kapayapaan.

“Let us always pray for peace , a just , lasting peace , in particular for martyred Ukraine and for Palestine amd Israeli”, sabi ng pontiff.

“May the spirit of the risen Lord enlighten and support those who work to reduce tension and favour the gestures that make negotiations possible.”

Ang mga Israeli ay nasa Italy bilang bahagi ng delegasyon kabilang si Israeli Foreign Minister Israel Katz.

Noong Oktubre 7 attack, nagresulta ng pagkamatay ng 1,170 Israelis at foreigners, karamihan sa kanila ay mga sibilyan ayon sa AFP tally base sa opisyal na bilang ng Israeli.

Kinuha rin ng militanteng Hamas at Islamic Jihad ang mahigit sa 250 Israeli at foreign hostages , 129 sa kanila ay nanatili sa Gaza kabilang ang 34 na sinasabing Israeli army ay patay na. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here