Home NATIONWIDE 3,500 indibidwal namamatay kada araw sa hepa

3,500 indibidwal namamatay kada araw sa hepa

MANILA, Philippines – Higit 3,500 katao ang namatay mula sa hepatitis virus kada araw at ang pandaigdigang bilang ay tumataas, babala ng World Health Organization na nanawagan ng agarang aksyon para laban ang second-largest infectious killer.

Ang bagong datos mula sa 187 bansa ay nagpakita na ang bilang ng mga namamatay mula sa viral hepatitis ay tumaas sa 1.3 milyon noong 2022 mula sa 1.1 milyon noong 2019, ayon sa ulat ng WHO na inilabas kasabay ng World Hepatitis Summit sa Portugal ngayong linggo.

Ang mga ito ay “alarming trend,” sinabi ni Meg Doherty, pinuno ng WHO sa pandaigdigang HIV, hepatitis at mga programa sa impeksyon na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Ayon sa ulat, mayroong 3,500 namamatay kada araw sa buong mundo mula hepatitis infections– 83 percent mula hepatitis B, 17 percent mula hepatitis C.

May mga mabisa at murang generic na gamot na maaaring gamutin ang mga virus na ito.

Ngunit tatlong porsyento lamang ng mga may chronic hep B ang nakatanggap ng antiviral na paggamot sa pagtatapos ng 2022, sinabi ng ulat.

Para sa hep C, 20 porsiyento lamang — o 12.5 milyong tao — ang nagamot.

Ngunit binigyang-diin ng pinuno ng WHO na si Tedros Adhanom Ghebreyesus na ang ulat ay “nagpinta ng isang nakakabahalang larawan.”

“Despite progress globally in preventing hepatitis infections, deaths are rising because far too few people with hepatitis are being diagnosed and treated,” saad ni Tedros sa isang pahayag.

.Ikinalungkot din ng UN agency na ang mga apektadong bansa ay walang sapat na access sa mga generic na gamot sa hepatitis — at kadalasang nagbabayad ng higit sa nararapat.

Two thirds ng lahat ng mga kaso ng hepatitis ay nasa Bangladesh, China, Ethiopia, India, Indonesia, Nigeria, Pakistan, Pilipinas, Russia at Vietnam, ayon sa ulat. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)