Home ENTERTAINMENT Sanya, nahulaan ang breakup nina Barbie at kapatid!

Sanya, nahulaan ang breakup nina Barbie at kapatid!

Manila, Philippines – Busy ngayon sa promo sina Sanya Lopez at David Licauco ng pelikulang pinagsasamahan nila.

Ito’y ang Samahan ng Mga Makasalanan, ang collab between GMA Pictures at ni Chavit Singson.

Dahil visible these days, viral ang anumang materyal na kunektado kay Sanya sa social media.

Same is true with David.

Matatandaang Sanya and David had just worked together in Pulang Araw.

In a way, very much “in” si Sanya dahil sa breakup ni Barbie Forteza at ng kanyang kapatid na si Jak Roberto.

Of late, viral nga ang guesting nina Sanya at David sa Studio 7 ng GMA.

Tinututukan ang clip doon kung saan tinanong sila ni Paolo Contis kung sino sa kanilang tingin ang unang makikipagkalas–si Barbie o si Jak?

Si Sanya ang bumangka sa diskusyon na ‘yon.

Aniya, pareho naman daw mabait ang noo’y magkasintahan pa.

Pero aminado si Sanya na pasaway ang kanyang kapatid, samantalang mahaba naman ang level of patience ni Barbie.

Sanya claimed na ‘di hamak na mas kabisado niya ang karakas ng kapatid.

So, ang sagot ng Kapuso actress ay most likely, si Barbie ang unang makikipag-break kay Jak.

True enough, si Barbie was the one who called it quits!

Nahulaan nga ni Sanya ang breakup ng dalawa!

“Madam Sanya,” ayan, may career ka na sa panghuhula! Ronnie Carrasco III