Home NATIONWIDE Sapat na pondo sa 2.27M estudyante sa 2026 pinasisiguro ni Bam sa...

Sapat na pondo sa 2.27M estudyante sa 2026 pinasisiguro ni Bam sa DBM, SUCs

279
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Bam Aquino sa Department of Budget and Management (DBM) at state universities and colleges (SUCs) na magtulungan upang masiguro ang sapat na pondo para sa 2.27 milyong estudyante at tumapat ang alokasyon sa enrollment projections sa ilalim ng 2026 national budget.

Ang apela ni Aquino ay kasabay ng pagdinig sa badyet ng mga SUC matapos sabihin sa report ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) na ang mga estudyante naka-enroll sa SUCs na kasalukuyang nasa 1.97 milyon ay inaasahang tataas ng 300,000 sa 2026.

Sa kabila nito, tinukoy ni Aquino ang impormasyon na ang bilang mula sa DBM ay mas mababa sa nasabing projections na nagdadala sa tinatayang P3.29-billion funding gap para sa 2026.

“For the 2026 budget, we have to agree. Iyong projection at iyong budget na ibibigay dapat tumutugma siya,” ayon kay Aquino, chairperson ng Senate committee on basic education.

“Moving forward, iyong projections per SUC at iyong kaakibat na FHE [free higher education] funding should match para walang sisihan. Huwag tayong pumayag na bababa iyong enrollment. Dapat pataas iyong enrollment because that’s really where we want to go,” sinabi pa ni Aquino.

Ayon pa kay Aquino na principal sponsor of the Free College Law, o ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act (RA 10931), na dapat masarhan ang gap na ito.

Siniguro ng senador sa mga SUC na ibabalik ng komite ang P12.3 bilyong budget deficit at sisiguruhin ang sapat na pondo sa ilalim ng 2026 national budget para sa capital outlay, maintenance and other operating expenses (MOOE), at personal services. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here