Home NATIONWIDE Sapat na suplay ng LPG, tiniyak ng DOE

Sapat na suplay ng LPG, tiniyak ng DOE

105
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Energy (DOE) na nagtutulungan ang gobyerno at ang pribadong sektor para palakasin ang inventory, tiyakin sa publiko na sapat ang suplay ng liquefied petroleum gas (LPG).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DOE Secretary Sharon Garin na ang bansa ay mayroong LPG inventory sa loob ng isang buwan bagaman inamin ng Kalihim na tumaas ang presyo nito.

“Hindi pa naman, hindi po,” ayon kay Garin nang tanungin ukol sa posivbilidad na ang bansa ay nauubusan na ng LPG stock.

“Pero tumaas po iyong presyo, naging mahal talaga siya. I think ang 1,100 naging 1,500 yata. Sobrang laki ng increase ng LPG, but that will stay for one month, once a month lang po iyong change ng presyo ng LPG,” ang sinabi ng Kalihim.

Sa kabilang dako, umapela naman si Garin sa publiko na i-monitor ang presyo ng LPG at kagyat na ireport sa mga awtoridad ang sinumang LPG dealers na gumagawa ng daily price adjustments.

Ani Garin, nahaharap ang mga local suppliers sa probleman habang pumutok ang labanan sa Gitnang Silangan, kaagad na naghanap ang mga kompanya ng alternatibong sources gaya ng Tsina at Hong Kong.

“So naghanap sila hanggang Australia, US at ngayon po nakakuha na sila, may supply na sila, pero hindi pa ganoon kakomportable iyong number,” anito.

“Even though 15 days lang dapat iyan, pero ngayon po, they are at 32 days.” ang sinabi pa rin n Garin.

Kasunod ng pakikipag-usap kasama ang gobyerno, sinabi ni Garin na ang Philippine National Oil Co. (PNOC) at mga pribadong kompanya ay sumang-ayon na magtulungan na bumili ng isang shipload ng LPG para palakasin ang local supply.

“The government and private companies are now supposed to finish the contract with the new suppliers,” ang winika ni Garin.

“Hindi ko lang alam kung anong country ang na-contact for the PNOC contract, pero iyon iyong gagawin namin in DOE, we will buy together with our companies for LPG,” dagdag na pahayag ng Kalihim. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here