Home METRO 2 lalaki arestado sa ilegal na bentahan ng gasolina sa Misamis Occidental

2 lalaki arestado sa ilegal na bentahan ng gasolina sa Misamis Occidental

145
0

MISAMIS OCCIDENTAL, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos umanong mahuling sangkot sa ilegal na pagbebenta at kalakalan ng produktong petrolyo sa Oroquieta City, Misamis Occidental.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Misamis Occidental, isinagawa ang operasyon sa isang bahay sa Barangay San Vicente Baj kung saan nasamsam ang isang portable micro-fuel dispenser na may lamang humigit-kumulang 1,010 litro ng gasolina na tinatayang nagkakahalaga ng ₱701,000.

Ayon kay Police Major General Robert Morico II, CIDG director, ipinagbabawal ng Presidential Decree No. 1865 ang pagbebenta o distribusyon ng produktong petrolyo para sa kita nang walang pahintulot o lisensya mula sa Department of Energy (DOE).

Layunin ng batas na maiwasan ang ilegal na kalakalan at mapanatili ang tamang paggamit ng enerhiya sa bansa.

Sinabi ng CIDG na patuloy nilang paiigtingin ang kampanya laban sa ilegal na aktibidad, at hinihikayat ang publiko na ireport ang mga kahalintulad na kaso ng ilegal na bentahan, hoarding, at profiteering ng langis sa kanilang lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here