Home NATIONWIDE Sapat na tubig para sa mga PDL pinatitiyak ni Catapang

Sapat na tubig para sa mga PDL pinatitiyak ni Catapang

MANILA, Philippines- Inatasan ni Bureau of  Corrections (Bucor) Director Gregorio Catapang ang lahat ng opisyal sa mga prison at penal farm na siguruhin na sapat ang suplay ng tubig para sa persons deprived of liberty (PDL).

Dahil sa kautusan ni Catapang, naglabas ng health advisory si BuCor Health and Welfare Chief CT/SSupt. Ma. Cecilia Villanueva sa Operating Prison and Penal Farms (OPPFs) na kailangang ipatupad ang health programs, services at pagkakaloob ng nga gamot upang agad masolusyunan ang mga sakit at iba pang health conditions ng mga PDL.

Sinabihan ang mga OPPF na maging mapagmatyag sa mga sintomas ng sakit na umuusbong tuwing tag-init.

Aminado si Catapang na dahil sa siksikan sa mga kulungan ay tiyak makararanas ng matinding init ang mga bilango.

Nakasaad sa health advisory na kailangang uminom ang mga PDL ng walo hanggang 12 baso ng tubig araw-araw. Dapat ding isagawa ang mga outdoor activity tuwing umaga at iwasan sa hapon.

Inaatasan din ang mga OPPF  na pabakunahan na ang mga PDL lalo na ang mga nakatatanda bago magsimula ang flu season sa Hunyo.

Ang BuCor ay may pitong OPPFs– ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, Correctional Institution for Women (CIW) l sa Mandaluyong CIty, Iwahig Prison and Penal (IPPF)sa Puerto Princesa City, Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) sa Occidental Mindoro, San Ramon Prison and Penal Farm (SRPPF) sa  Zamboanga City, Leyte Regional Prison (LRP) sa Abuyog, Leyte, at  Davao Prison and Penal Farm (DPPF) sa Panabo City. Teresa Tavares

Previous article‘iRISE UP’ ibinida ng QC
Next articleBong Go sa mataas na grado sa survey: ‘Patuloy akong magseserbisyo sa Pilipino’