Home NATIONWIDE Sapilitang random drug test sa Senate, hirit ni Sotto

Sapilitang random drug test sa Senate, hirit ni Sotto

259
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na ipatupad ang mandatory random drug testing sa Senado matapos lumabas ang ulat na isang staff ang umano’y gumamit ng marijuana sa loob ng gusali.

“Upang mapanatili ang drug-free workplace, hinihiling kong agad magsagawa ng mandatory random drug test sa Senado,” ani Sotto sa kanyang liham kay Escudero. Ipinaalala rin niya na ipinatupad na niya ito noong siya ang Senate President sa ika-18 Kongreso.

“Pinapasalamatan ko siya sa kanyang inisyatiba at malasakit. Magbibigay ako ng tugon hinggil sa mga naunang pangyayari at sa mga hakbang na ginagawa ngayon,” ayon sa pagkumpirma ni Escudero ukol sa liham ni Sotto.

Suportado nina Senador Juan Miguel Zubiri at Joel Villanueva ang panukala. Ayon kay Zubiri, sasailalim siya at ang kanyang staff sa drug test, at handa rin siyang magpa-hair follicle drug test. Dagdag ni Villanueva, matagal na niyang sinusuportahan ang mga inisyatibang drug testing.

Nagsimula ang isyu sa imbestigasyon kaugnay ng umano’y paggamit ng marijuana ng staff ni Senador Robin Padilla. Sa ulat ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms, pinangalanan ang dating aktres na si Nadia Montenegro. Itinanggi niya ang paggamit ng marijuana ngunit inamin na may dala siyang vape device. Pinag-leave muna siya ng opisina ni Padilla habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here