Home METRO SAR isinagawa sa Dinagat Islands sa nawawalang Cessna aircraft

SAR isinagawa sa Dinagat Islands sa nawawalang Cessna aircraft

119
0

DINAGAT ISLANDS, Philippines – Isinasagawa ang espesyal na search and rescue (SAR) operation sa Barangay Navarro, Tubajon, Dinagat Islands matapos ang ulat kaugnay ng isang nawawalang Cessna aircraft (RP-C2444), ayon sa pamahalaang panlalawigan nitong Miyerkules.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), nakarinig ang mga residente ng malakas na “bomb-like” na tunog bandang ala-1 ng hapon. Sinundan ito ng pagkatuklas ng umano’y mga debris ng eroplano sa lugar, kaya agad na nagpadala ng mga rescue team upang beripikahin ang insidente at magsagawa ng search and rescue operation.

Pinamumunuan ang operasyon ng Municipal DRRMO ng Tubajon katuwang ang pulisya, Bureau of Fire Protection, at Philippine Coast Guard.

Nagpadala rin si Dinagat Islands Governor Nilo Demerey Jr. ng Incident Management Team (IMT) at drone operators para sa aerial assessment at pagtulong sa paghahanap.

Batay sa datos ng FlightAware, ang eroplano na may tail number RP-C2444 ay umalis mula sa Subic Bay Freeport Zone bandang 9:04 a.m. at huling na-track malapit sa Surigao City bandang 12:44 p.m.

Patuloy ang operasyon na nakatuon sa paghahanap at posibleng pag-recover, habang tiniyak ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga responders at mga komunidad sa paligid. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here