Home HOME BANNER STORY Sara Duterte, tatakbong Presidente sa 2028

Sara Duterte, tatakbong Presidente sa 2028

325
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ngayong Miyerkules na tatakbo siya bilang Pangulo ng Pilipinas, kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kanyang pakikipag-alyansa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong halalan noong 2022.

Sa isang inihandang pahayag, ipinahayag ni Duterte ang kanyang pagsisisi at pangakong maglingkod sa bayan.

“I cannot kneel before each and every Filipino to beg for forgiveness. Instead, I offer my life, my strength, and my future in the service of our nation,” aniya.

Pormal din niyang idineklara ang kanyang kandidatura.

“Mga kababayan, ibalik natin ang tapang at malakasakit para sa Diyos, para sa bayan, at para sa bawat pamilyang Pilipino. Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas,” dagdag niya.

Tumanggi si Duterte na sagutin ang mga tanong ng media matapos ang kanyang anunsyo.

Ang kanyang pahayag ay kasunod ng patuloy na hidwaan nila ni Pangulong Marcos at ng mga bagong impeachment complaints na inihain ngayong buwan kaugnay ng umano’y anomalya sa paggamit ng confidential funds at banta umano laban sa Pangulo, na kanyang itinanggi.

Sa ilalim ng Konstitusyon, ang conviction sa impeachment trial ay magbabawal sa kanya na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno at makaaapekto sa kanyang planong pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here