Home METRO Labi ng Pinay nars na nasawi sa Saudi hit-and-run incident, naiuwi na...

Labi ng Pinay nars na nasawi sa Saudi hit-and-run incident, naiuwi na ng Pinas

198
0

MANILA, Philippines – Dumating sa Pilipinas noong Araw ng mga Puso ang labi ng isang 34-anyos na Filipina nurse na nasawi sa hit-and-run incident sa Saudi Arabia.

Sinalubong ng pamilya ni Mae Jill Juanillas, kasama ang mga kinatawan ng Department of Migrant Workers (DMW), ang kanyang kabaong sa Bicol International Airport bago ito dinala sa kanyang hometown sa Nabua, Camarines Sur.

Ayon sa Migrant Workers Office (MWO) sa Jeddah, naganap ang insidente noong Enero 31 nang mabangga ng isang rumaragasang sasakyan si Juanillas at ang dalawa niyang kasamang Filipino nurses habang tumatawid sa Muruj Al Amir District matapos manggaling sa Tabuk Park Mall.

Binawian ng buhay si Juanillas sa King Khalid Civilian Hospital dahil sa matinding pinsala, habang sugatan ngunit nagpapagaling na ang kanyang dalawang kasama.

Tinangka umanong tumakas ng driver ngunit nahuli rin ng mga awtoridad. “[A]ng ibang mga motorista na nakakita sa insidente ay hinabol daw ang salarin hanggang sa siya ay nahuli. Ngayon ay nasa kulungan na ang salarin,” ayon sa MWO-Jeddah.

Tiniyak ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ni Juanillas na pinoproseso na ang financial assistance at iba pang benepisyo.

“Nakatutok po ang MWO at OWWA sa kaso at mag-a-assist sa ikalulutas nito para mabigyan ng hustisya ang ating mga kababayan,” ayon sa tanggapan.

Nagpahayag din ng pakikiramay ang Camarines Sur Polytechnic Colleges, kung saan nagtapos si Juanillas ng kursong Nursing noong 2012, at kinilala siya bilang isang dedikadong healthcare worker. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here