Home ENTERTAINMENT Sarah at Tatay Delfin, magkasundo na!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Sarah at Tatay Delfin, magkasundo na!April 27, 2026 12:58990 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Ikinatuwa ng mga fans ni Sarah Geronimo ang sighting sa kanilang idolo kasama ang kanyang Tatay Delfin.Ito’y sa Earth Day Run 2026 sa SM Mall of Asia.It’s been a while since the father and daughter were seen in public.Aside from their photo together, ibinahagi rin ni Sarah sa kanyang social media account ang litrato nilang mag-ama.Caption ng singer-actress: “Tatay Delfin gwapo.”Kasama din sa kanilang picture ang isa sa mga pet dogs ni Sarah at asawang si Matteo Guidicelli—si Niña.Present din ang dalawa pang fur babies ng Guidicelli couple, sina Dakota at Liya.Dahil sa sighting sa mag-ama, umaasa ang mga fans ng Popstar Royalty na soon ay magkakaayos na rin sina Sarah at Mommy Divine.At kung maaari pa’y makunan sila ng photo kasama si Matteo. Ronnie Carrasco III