MANILA, Philippines – Aapela si Sarah Discaya laban sa desisyon ng Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) na kanselahin ang lisensya ng siyam niyang construction firms, ayon sa abogado niyang si Atty. Cornelio Samaniego, na tinawag itong paglabag sa due process.
Ayon kay Samaniego, humiling sila ng 30 araw para magsumite ng dokumento pero nagulat sila nang bigla na lamang binawi ang mga lisensya.
Noong Setyembre 1, kinansela ng PCAB ang lisensya ng siyam na kompanya matapos umamin si Discaya sa Senate hearing na siya ang may-ari, at iginiit na may ebidensya ng sabwatan sa joint bidding para makorner ang mga proyekto ng gobyerno.
Giit ng kampo ni Discaya, ngayon ay konektado na lamang siya sa Alpha & Omega matapos mag-divest sa iba pang walong kompanya. RNT