Home ENTERTAINMENT Sarah G movie, ikakasa ng Viva sa MMFF 2024!

Sarah G movie, ikakasa ng Viva sa MMFF 2024!

Manila, Philippines – Kilala ang Viva Entertainment ng mga del Rosario na hindi gaanong maingay sa kanilang mga proyekto, kundi manggugulat na lang.

Ganito rin daw ang strategy ng naturang film company na may nilulutong project na balak nilang isali sa Metro Manila Film Festival this year.

Mahalaga ang selebrasyon ng MMFF this December dahil nasa ika-50 taon na ito.

Last year’s MMFF was not exactly auspicious for Viva.

Ang opisyal nitong entry na Penduko which starred Matteo Guidicelli was quite a box office disappointment.

Given this, kailangan daw bumawi ang Viva this December filmfest.

And what better way to do this than field an entry tampok ang mismong misis ni Matteo na si Sarah Geronimo!

This early ay nababalitaan na ang mga nagbabalak na sumali.

Nariyan ang sequel ng Hello Love Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

This time ay sa Canada nag-o-ocular inspection ang HLG team bilang location nito mula sa Hongkong kung saan naka-deploy ang bidang babae.

Ikinakasa na rin–although filming has yet to start–ang And the Breadwinner Is… starring Vice Ganda mula sa direksyon ni Jun Lana.

Both the Cathy Sampana-megged HLG and Jun Lana movies ay sa ilalim ng Star Cinema.

Siyempre, hindi nga naman magpapakabog ang Viva dahil nga they’re eyeing a Sarah G. starrer.

Ang Regal Entertainment din kaya’y may niluluto ring festival entry?

At sino naman kaya ang napupusuan nilang bibida doon, si Lovi Poe?

Matatandaang hindi pinalad makasama ang Shake, Rattle and Roll Extreme sa MMFF noong isang taon, kaya dapat lang bumawi ang Regal.

Not to forget ay plano rin ni Bong Revilla na isali ang Alyas Pogi 4. Ronnie Carrasco III