Home ENTERTAINMENT Micaella, minanyak ng kaeksena!

Micaella, minanyak ng kaeksena!

Manila, Philippines – Nilinaw ni Micaella Raz na walang ‘sibling’ rivalry sa kanila ng kanyang mga ‘kapatid’ na sina Angela Morena at Stephanie Raz.

Katunayan, todo raw ang support system nila sa isa’t-isa lalo pa’t isa lang ang kanilang manager, ang kanilang tita na si Lara Morena.

Speaking of Micaella, muli na naman siyang mapapanood sa pelikulang “Red Flag” na palabas na sa Vivamax simula sa Abril 26.

Ani Micaela, nakaka-relate daw siya sa tema at titulo ng pelikula dahil minsan na rin siyang nakatagpo ng maling lalake.

Hirit pa niya, red flag daw sa kanya ang mga lalakeng hindi marunong rumespeto ng mga kababaihan at maging sa kanilang mga magulang.

Dagdag pa niya, sa mga pelikulang ginagawa niya ay naranasan na rin niyang manyakin ng mga lalakeng kanyang nakaka-eksena.

“May instances naman po na mararamdaman mo kapag nagte-take advantage na.

“Sa case ko, dalawang beses pong nangyari. Ako naman po, ang iniisip ko lang sabi ko, sana matapos na ito.

“Minsan naman po kapag napapansin po ng director na parang totohanan na, siya na po ang nagpapatigil at sinasabihan iyong co-actor ko,” aniya.

Kaya naman naging learning experience na raw ito sa kanya.

“Ako inuunahan ko na sila. Sinasabi ko po sa director o kaya’y sa production para aware po sila sa limitations ko and sa restrictions ko para na rin po respect po sa isa’t-isa, in the same way na tinatanong ko rin po sila,” paliwanag niya.

“Iyong iba po kasi, hirap mong mameke pagdating sa mga eksena kaya minsan natatamaan ang di po dapat tamaan,” dugtong niya.

Sa Red Flag, ginagampanan ni Micaela ang papel ni Gina, isang car sales agent na nakipagrelasyon sa babaerong si Red sa kabila ng babala ng mga kaibigan.

Mula sa direksyon ni Lakambini Morales, tampok din sa pelikula sina Mon Mendoza, Joana David at Mhack Morales. Archie Liao