Home ENTERTAINMENT Toni, ‘di na babalik sa PBB!

Toni, ‘di na babalik sa PBB!

Manila, Philippines – Mismong si Toni Gonzaga na rin ang nagsabing hindi na siya muling babalik bilang host ng Pinoy Big Brother.

Matatandaang February 9, 2022 nang magbitiw si Toni as host.

Labing-anim na taon din siyang nagsilbing host ng naturang show sa ABS-CBN.

Ipinagtapat niya ito sa radio program sa FM station na The Baklitas.

Ani Toni: “Feeling ko, ang daming magagaling na hosts. It’s their time to shine!”

Sapat na raw ang 16 taon na ipinagkatiwala sa kanya.

Toni describes her PBB hosting stint as both special and memorable in her heart.

Pero inamin ng maybahay ni Paul Soriano na may “miss factor” ang trabahong nakasanayan niyang gawin dito.

“Autopilot” daw siya noon na naglalagare to the max.

Matagal nang usap-usapan ang pagbabalik-TV ni Toni.

However, nagbanta ang ilan na hindi nila susuportahan ang programang kabibilangan nito dahil sa kanyang pagiging identified sa kampo nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at now President Bongbong Marcos.

llan kasing mga personalidad sa pulitika ang itinuturong may kinalaman ang mga ito sa pagpapasara sa ABS-CBN. Ronnie Carrasco III