Home ENTERTAINMENT Sarah G, pinabilib si Tyla!

Sarah G, pinabilib si Tyla!

Manila, Philippines – Sa kanyang X social media account, nag-react ang popular South African singer na si Tyla nang mapanood niya ang video ng performance si Sarah Geronimo.

Sa naturang video, marami ang napabilib sa rendition ng Popstar Royalty ng awiting “Water” na pinasikat ng kilalang soloista.

Ang nasabing awitin ay hindi nawawala sa top ten hit sa mga bansang tulad ng Estados Unidos, England, Australia at iba pa.

Kasama rin ito sa US Billboard Hot 100.

Tweet ni Tyla: “It’s so crazy seeing people perform my song with huge productions, costumes, choreo etc etc… what the heck.”

Ni-repost naman ni Matteo ang tweet ni Tyla at nagkomento itong: “That’s my wife.”

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon ang pagyayabang ni Matteo sa kanyang wifey.

Ito ang ilan sa kanilang reaksyon.

“OMG TYLA AND SARAH G???”

“YAS! Queeeeeens!”

“Time to collect check.”

“Remind them for your charge.”

“It’s the new national anthem here in the Phil.”

“Grabe ang asawa mo Matt! Even Tyla noticed her wow!”

“Proud husband.” Archie Liao

Previous articleTsina nagpatrolya sa S. China Sea
Next articleHigit kalahati ng Panay Island may kuryente na – NGCP