Home NATIONWIDE Higit kalahati ng Panay Island may kuryente na – NGCP

Higit kalahati ng Panay Island may kuryente na – NGCP

158
0

MANILA, Philippines- Nananatiling “unstable” ang power supply sa Panay Island rkahit na mahigit kalahati na ng isla ang mayroong kuryente, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Huwebes.

Hanggang alas-10 ng umaga nitong Huwebes, sinabi ng NGCP na mayroong kabuuang 242.2 megawatts (MW) loads na sa isla— 202.9 MW dito ay mula sa Panay power plants, habanga ng 39.2 MW mula sa ibang source sa Visayas.

“Higit sa kalahati po ‘to ng ordinaryong pangangailangan ng Panay Island… Ang normal na demand nila nasa almost 400 MW, so more than half na ang naseserbisyuhan ng mga plantang naka-on ngayon,” pahayag ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza sa isang panayam.

Kinakailangan ng grid ng halos 300 MW upang patatagin ang supply at hinihintay lamang ang natitirang planta mula sa Palm Concepcion Power Corporation (PCPC) na magseserbisyo ng 135 MW.

Ani Alabanza, wala silang nakikitang dahilan upang itaas ang Yellow Alert sa Visayas Grid dahil sa Panay Island lamang naranasan ang isyu, at ang natitirang bahagi ng Visayas ay mayroong kuryente.

Araw ng Martes nang ma-monitor ng NGCP ang “tripping” ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) Unit 1 dahil sa “internal issue.” Sinundan ito ng PEDC Unit 2, PCPC, at iba pang planta pagsapit ng hapon.

Anang Energy Regulatory Commission (ERC) nitong Miyerkules, nakikipag-ugnayan ito sa Department of Energy (DOE) at sa NGCP upang ibalik ang kuryente sa Panay Island sa gitna ng malawakang power outage sa lugar.

Samantala, sinabi ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na balak niyang magdeklara ng state of calamity dahil 50% lamang ng lungsod ang mayroonf power supply sa patuloy na rotational brownouts. 

“We will declare a state of calamity. The problem is NGCP. NGCP is beyond the state of calamity… The state of calamity is only here in Iloilo City [when we] declare, but the problem is beyond Iloilo City,” wika niya sa hiwalay na panayam.

Nanawagan si Treñas ng congressional investigation ukol dito.

Iminungkahi sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa malawakang power outages sa Western Visayas provinces sa pangunguna ni Iloilo City lawmaker Julienne “Jam-Jam” Baronda nitong Miyerkules. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here