Home ENTERTAINMENT Sarah G, tinabla ang isang fast food chain!!

Sarah G, tinabla ang isang fast food chain!!

Manila, Philippines – Ito ang kabibiliban mo kay Sarah Geronimo: she follows what she preaches.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga tagahanga ng Popstar Royalty na nag-iba na ang eating habits nito.

Isa na kasing pescatarian ang singer-actress.

Kundi isda’y mga gulay na lang ang composition ng kanyang daily diet.

Matagal-tagal na ring tablado kay Sarah ang karne at maging ang mga meat o dairy products.

Sa katunayan, it has become her advocacy.

Ang kahanga-hanga kay Sarah, no amount of talent fee will make her endorse a popular food chain.

Ang weird nga namang nag-eendorso siya ng commercial gayong she doesn’t patronize the brand herself.

True to her advocacy, pinakawalan nga ni Sarah ang multimillion-peso endorsement contract.

Maging sa kanyang baking ay iniwasan na rin ni Sarah na gumamit ng mga dairy products.

These products nga naman come from livestock animals na ang paggamit nito in whatever way ay sumasalungat sa kanyang adbokasiya.

Sa puntong ito ng career ni Sarah, may “K” siyang mamili kung anong endorsement lang ang gusto niyang tanggapin.

Dito na pumapasok na hindi lahat ng bagay ay pera-pera lang.

To each his own lang naman ‘yan, and we respect Sarah’s stand. Ronnie Carrasco III