Home ENTERTAINMENT Barbie at David, nagpakilig sa South Korea!

Barbie at David, nagpakilig sa South Korea!

Seoul, South Korea – Ibang klaseng kilig ang idinulot nina Barbie Forteza at David Licauco sa BarDa fans lalo na sa ilang mga eksena na kinunan sa Seoul, South Korea para sa pelikulang That Kind of Love.

Sabi nga no direk Catherine Camarillo, wala namang espesyal sa South Korea when asked kung bakit niya naisip na kunan ang ilang eksena ng nasabing pelikula sa nasabing bansa.

“I just love the country lalo na may kilig vibe. Remember, sikat din ang K Drama at sikat din naman anv BarDa in Korea,” sabi pa no Direk Cath.

Totoo ang sinabi ni Direk dahil kinilig ang BarDa fans na nagkaroon na ng chance na makasilip sa trailer.

Kilig vibes din ang naranasan ng mga Pinoy sa South Korea na nakapanood ng live sa shooting.

“Ang most memorable scenes ko sa Korea with Barbie, e, ‘yung nasa crossing kami kasi buwis buhay, e. Sa scene na ‘yun, e, kailangan naming tumawid ni Barbie, e, may mga cars na tumatakbo.

“Pero kahit ako kinikig sa South Korea. Lahat naman kasi ng location shoot namin doon, e kinunan sa mga lugar na sikat.

“Bukod du’n, e, malamig din kaya nakakakilig,” sabi ni David.

Kahit si Barbie ay hindi naiwasang magkwento sa Korea trip niya with David.

“Nalibot namin ni David ang mga famous drama

location like ‘yung wall na nilakaran namin, ginamit ‘yun sa famous drama project.

“And ang hindi ko makakalimutan, e, ‘yung eksena namin sa tunnel na lamig na lamig ako kasi ‘yung isa sa mga Korean producers namin, binilhan kami ng Korean rice cake kaya sobrang saya.

“Ganu’n ka tight ang bond namin kaya kahit out of the country shoot, hindi nakaka-boring,” sabi naman ni Barbie.

Umaasa si Barbie na susuportahan ng Pinoy moviegoers ang That Kind of Love, produced by Pocket Media Productions.

“It’s nice to always hope for a blockbuster movie pero the main purpose naman is to produce a good film from Philippines at para hindi ang Hollywood film ang laging pinapanood.

“It’s for the entirety of the movie industry.

“Maganda panoorin ang movie namin na That Kind of Love sa first date niyo or sa gusto mag-rekindle ng love nila.

“Masaya itong date movie.

“Regarding block screenings, we really appreciate ‘yung mga supporters na nag-o-organize ng block screening and the least that we can do is to attend the screening,” sabi pa ni Barbie.

Kahit si David ay may hanash din sa pagbibigay ng support sa movie industry.

“Buhayin natin ang film industry dahil mas maganda talaga ang manood ng pelikula sa sinehan.

“With that kind of film like ‘yung movie namin ni Barbie, sana bumalik ang tao sa sinehan,” pakiusap pa ni David. JP Ignacio