Home ENTERTAINMENT Sarah, nakakuha ng kakampi kay Kyline!

Sarah, nakakuha ng kakampi kay Kyline!

Manila, Philippines- Inuurot ng kibitzers ang bonding nina Sarah Lahbati at ng Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Makikita kasi sa socmed accounts nila sa Instagram ang dance video kung saan magkasama ang dalawa.

Ang clip ay kuha sa dance class ng G-Force Dance Center sa Alabang.

Nagpakitang-gilas din ang dalawang magkaibigan ng kanilang fierce dance moves kung saan umindak sila sa saliw ng awiting “Dirt” na pinasikat ng Swedish singer na si Dirt.

Caption ni Sarah: “Laban lang. Fuuuuun class @gforce_ritz @itskylinealcantara.”

Sey naman ni Kyline: “Dive into that ocean,” na tumutukoy sa isang linya ng kanta ng nasabing awitin.

Hirit naman ng mga sawsawera at kate-katera, sanib puwersa raw ang dalawa dahil pareho silang miyembro ng Broken Hearts’ club.

Obserbasyon naman ng mga katikatera, nakakuha raw ng kakampi si Sarah sa katauhan ni Kyline na tulad niya ay hiwalay na sa kanyang partner.

Ito ang ilan sa kanilang komento.
“Wow. Nakakuha sila ng kakampi sa isa’t-isa.”

“Hindi kaya siya ang tinutukoy na third party sa ghurl.”

“Pareho silang miyembro ng samahan ng kababaihang malamig ang Pasko.”

“Sanib puwersa laban sa mga cheater at woman beater.”

“Rebelde mode.” Archie Liao

Previous articleDOH: ‘Wag mamulot ng paputok
Next articleMalabon warehouse nagliyab sa paputok!