Home METRO Malabon warehouse nagliyab sa paputok!

Malabon warehouse nagliyab sa paputok!

MANILA, Philippines- Dahil umano sa paputok ay naabo ang P300 milyong halaga ng ari-arian sa nasunog na bodega sa Malabon.

Ala-1 ng madaling araw nang magdeklara ng unang alarma ang Bureau of Fire Protection sa nasunog na warehouse sa Engineering Road, Potrero, ng lungsod.

Saktong alas-2:12 ng madaling araw naman nang ideklara ang Task Force Alpha, na nangangahulugang 24 firetrucks na ang kailangan para maapula ang apoy.

Mga parte ng bisikleta, gym equipment, at mga gamit ng sanggol ang laman ng bodega.

Ayon sa mga empleyado ng bodega, hindi na kinaya ng dalang fire extinguisher ng kanilang amo na puksain ang pagliyab.

Nadamay din ang malapit na bodega ng natupok na establisimiyentong naglalaman naman ng tela. Merly Iral