Home ENTERTAINMENT Sarah, nakatagpo ng kakampi kay Kathryn!

Sarah, nakatagpo ng kakampi kay Kathryn!

Manila, Philippines- Instant friends at a chance encounter?

Ito ang nagkakaisang tanong ng mga netizens patungkol sa bagong showbiz friends na sina Kathryn Bernardo at Sarah Lahbati.

Pareho kasi silang dumalo sa isang recent birthday celebration.

Sa isang photo which is making social media rounds, makikitang binubulungan ni Sarah si Kathryn.

Apparently, all ears si Kathryn.

As usual, umandar na naman ang wild imagination ng mga netizens.

Could it be possible na tungkol sa mga respective exes nila anga ibinubulong ni Sarah?

Alam naman na lahat that sa aspetong lovelife, Kathryn and Sarah have something in common–si Kath kay Daniel Padilla at si Sarah kay Richard Gutierrez.

Bale ba, both Richard and Daniel are cast in the same ABS-CBN teleserye incognito.

Curious tuloy ang mga netizens kung may bulungan din daw bang nangyayari sa dalawang aktor.

At mga exes din daw ba ang topic of discussion nila?

Kinorek naman ito ng isang netizen, saying na totally ay wala na sa kamalayan nina Richard at Daniel ang kanilang respective past.

“Not when Barbie Imperial is also in the cast of their upcoming series. In Daniel’s case, not when he’s reported to be playing beautiful music with San Juan City Mayor Francis Zamora’s daughter!”

“Huwag assumera!” giit ng netizen. Ronnie Carrasco III