MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang may kaugnayan sa pagdukot sa businessman ang natagpuang multi-purpose vehicle (MPV) sa Quezon City, sinabi ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group (HPG) nitong Huwebes, Abril 10.
Sa pahayag, sinabi ng HPG na nadiskubre ang itim na luxury vehicle sa Seminary Road sa Barangay Bahay Toro, Project 6 matapos makatanggap ng tip ng kahina-hinalang presensya nito sa lugar.
Ayon sa mga residente, iniwan ang sasakyan noong Marso 29, bandang alas-4 ng hapon ng dalawang hindi tukoy na kalalakihan na may suot na hooded clothing.
Nauna nang iniulat na nawawala ang sasakyan at may kinalaman sa isang kidnap-for-ransom case.
Noong Marso 31, sinabi ng pamilya ng biktima sa HPG na ang sasakyan ay
“Initial reports indicate that the victim was last seen departing from his place of business in Valenzuela City, accompanied by his driver, for a scheduled meeting in Parañaque City,” ayon sa HPG.
“The following day, the victim’s relatives reportedly received a message through a mobile messaging platform claiming responsibility for the abduction and demanding a multimillion-dollar ransom,” dagdag pa.
Sinabi ni HPG chief Police Brigadier General Eleazar Matta na ang pagkakadiskubre sa sasakyan ay mahalagang hakbang sa pag-usad ng imbestigasyon sa krimen. RNT/JGC