Home NATIONWIDE Satellite launch gamit missile tech ng NoKor kinondena ng PH

Satellite launch gamit missile tech ng NoKor kinondena ng PH

MANILA, Philippines- Binatikos ng Pilipinas nitong Biyernes ang paglulunsad ng North Korea ng satellite gamit ang ballistic missile technology, kung saan sinabing pinaiinit umano nito ang tensyon sa Korean Peninsula.

Pumalya ang satellite launch nitong Lunes matapos sumabog ang rocket na karga nito habang nasa ere.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ang aksyong ito “undermines economic progress, peace, and stability in the Korean Peninsula and the Indo-Pacific region.”

“The Philippines has repeatedly called on the DPRK (Democratic People’s Republic of Korea) to comply with its international obligations under relevant UN Security Council resolutions, and to commit to constructive and peaceful dialogue with the ROK (Republic of Korea),” giit ng DFA.

“The Philippines has consistently supported the call for a complete, verifiable, and irreversible denuclearization of the DPRK,” dagdag nito.

Sinabi ng North Korea noong Nobyembre 2023 na matagumpay nitong naitalaga ang spy satellite sa kalawakan matapos ang dalawang palyadong pagtatangka sa parehong taon. RNT/SA