Home ENTERTAINMENT James, biglang kambyo sa planong kasal kay Issa!

James, biglang kambyo sa planong kasal kay Issa!

Manila, Philippines- At 31, nagbago na rin daw ang list of priorities ni James Reid sa buhay.

But if there’s one constant thing, it’s seeing his musical career through.

Ito ang inamin ni James sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN.

Aniya, his priorities have changed to the point that all he wants to do is seeing things done the right way.

Siyempre, nananatiling top priority pa rin daw ang kanyang karera.

“It’s seeing my music through, my career through,” ani James.

Sa edad na rin daw niya ngayon, kasama sa kanyang mga prayoridad ay lumagay sa tahimik.

“I can feel it. Soon, I feel I’m going to settle down,” pahayag ng singer-actor cum talent manager.

Public knowledge na si Issa Pressman ang current flame ni James.

Prior to Issa’y bumilang din ng taon ang relasyon nila ni Nadine Lustre.

Speaking of whom, sa breakup nila ni Nadine humugot ng inspirasyon si James para sa kanyang bagong awitin.

Back to his plan of settling down, obyus na nadulas si James nang sabihin niya ito.

Bigla kasi siyang kumambyo by saying: “I shouldn’t have said it…never mind!”

Urong-sulong siyang pakasalan si Issa? Ronnie Carrasco III