PrcMANILA, Philippines- Nanguna ang mga graduate mula sa University of the Cordilleras at Polytechnic University of the Philippines (PUP) Main sa May 2024 Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examination ng Professional Regulation Commission (PRC).
Kapwa nakakuha sina Nicole Agoy Gonzales (University of the Cordilleras) at Hazel Ann Concepcion Sera (PUP-Main) ng percentage rating na 90.83%.
Nakuha nila ang pinakamataas na score mula sa 3,155 pumasa.
Hindi pa inaanunsyo ng PRC ang petsa at lugar na paggaganapan ng oath-taking. RNT/SA