Home NATIONWIDE SB member sa Zamboanga patay sa road crash

SB member sa Zamboanga patay sa road crash

278
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Salug, Zamboanga del Norte matapos masangkot sa aksidente sa kalsada.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Jose Reil Pajo Lagare, 49, na bumibiyahe patungong Leon Postigo nang masawi sa aksidente bandang alas-3 ng hapon nitong Linggo, Nobyembre 23.

Sa inisyal na imbestigasyon na ginawa ng Leon Postigo police, bumibiyahe si Lagare mula sa Salug patungong Leon Postigo nang sumalpok ito sa puno ng mahogany sa Barangay Bogabongan.

Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang biktima na kumain ng kabilang linya ng kalsada.

Nagtamo si Lagare ng matinding pinsala sa ulo na agad dinala sa ospital ngunit idineklarang patay. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here