Home NATIONWIDE SC: Anak mananatiling lehitimo sa kabila ng napawalang-bisang kasal ng magulang

SC: Anak mananatiling lehitimo sa kabila ng napawalang-bisang kasal ng magulang

196
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nananatiling lehitimo ang mga anak kahit napawalang bisa ang kasal ng kanilang mga magulang dahil sa psychological incapacity.

Sa desisyon ng Supreme Court Second division, binaligtad nito ang desisyon ng Regional Trial Court na nagdeklarang illegitimate ang isang anak kasunod ng pagpapawalang-bisa ng kasal ng kanyang mga magulang.

Ipinanganak ang bata ilang buwan bago ikinasal ang mag-asawa. Sa panahon ng kasal, ang asawang babae ay nakaranas ng pisikal, emosyonal, at berbal na pang-aabuso mula sa kanyang asawa. Ang asawang lalaki ay may isyu din ng pagkalulong sa alak, pagsusugal, at pagtataksil.

Sa petisyon na isinampa ng babae para mapawalang-bisa ang kanilang kasal, nagprisinta siya ng mga ebidensya ng pang-aabuso at isang sikolohikal na ulat na nag-diagnose sa kanyang asawa na may narcissistic personality disorder.

Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyon ng Regional Trial Court na walang bisa ang kasal pero nagpasya din ito na ang bata ay nananatiling lehitimo.

Sa pangkalahatan, kapag ang isang kasal ay pinawalang-bisa, ang anak ay itinuturing na hindi lehitimo mula sa oras na sila ay ipinaglihi.

Gayunpaman, may exception sa Family Code tulad ng kapag ang kasal ay pinawalang-bisa dahil sa psychological incapacity. Nararapat ito kung ang bata ay ipinanganak bago o habang kasal.

Dagdag pa ng Korte, ang nawawalang anotasyon sa birth certificate ay hindi nakakaapekto sa legal na kalagayan ng anak.

Kapag naging lehitimo ang isang anak sa ilalim ng Family Code, walang legal na basehan para baguhin ang kanilang status pabalik sa illegitimate. Ang pagpayag dito ay labag sa layunin ng batas na protektahan ang best interest ng anak. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here