MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang paglalabas ng mahigit P1.4 bilyong suporta para sa muling pagtatayo at pagpapaunlad sa conflict-stricken areas sa bansa.
Sa pahayag nitong Miyerkules, Mayo 21, sinabi ng DBM na inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang paglalabas ng pondo para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program.
Ang PAMANA Program, na ipinatutupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay binubuo ng micro-level interventions para tumugon sa mga kaguluhan at palakasin ang peace-building efforts, maging ang suporta sa rekonstruksyon at pagpapaunlad sa mga conflict-affected at vulnerable areas.
Anang DBM, ang PAMANA Program ay ipinatutupad sa dalawang direksyon, ito ay ang PAMANA Peace and Development Project at ang PAMANA Local Government Unit (LGU)-Led Livelihood Track.
Layon ng PAMANA Peace and Development Project na palakasin ang conflict-vulnerable at conflict-affected regions maging ang indigenous communities sa pagbibigay ng pinabuting access sa mga serbisyo at plataporma kung saan ang mga komunidad ay maaaring magpanukala ng mga proyekto batay sa kanilang pangangailangan.
Para sa track na ito, nasa kabuuang P351.071 million ang inilaan para sa capacity building ng 198 target areas/communities sa regions CAR, I, II, IV A-B, VI-VIII, X, at XIII.
Ang PAMANA DSWD/LGU-led livelihood track naman ay binubuo ng livelihood assistance programs na ipinatutupad kasama ang mga LGU para sumuporta sa community subprojects sa ilalim ng PAMANA Peace and Development Track.
Layon naman nitong mapabuti ang socio-economic condition ng mga benepisyaryo sa conflict-affected at vulnerable areas patungo sa sustainable development.
Nasa kabuuang P1.049 bilyon naman ang inilaan para sa track na ito para sa 981 target areas para sa Sustainable Livelihood Associations sa regions CAR, II-VI, NIR, IX, at XIII. the DBM said.
Kabuuang P500 milyon ang gagamitin para sa peace and development case management process para bigyang-daan ang healing process ng mga indibidwal, pamilya, at komunidad sa mga trauma mula sa armed conflict.
Ang badyet para sa PAMANA Program ay kukunin sa badyet ng DSWD sa 2025 GAA. RNT/JGC