Home METRO SC Angat dam water tax ruling inapela ng Bulacan

SC Angat dam water tax ruling inapela ng Bulacan

MANILA, Philippines – Umapela sa Supreme Court (SC) ang provincial government ng Bulacan kaugnay sa naging desisyun nito na hindi bigyan ng bahagi ng kita ang Bulacan mula sa pagamot ng Angat Dam.

Naghain ng motion for reconsideration ang Bulacan government na layon mabaligtad ang October 2023 decision nito na nagdedeklara na ang tubig mula sa Angat Dam ay hindi bahagi ng natural resources kung kaya hindi ito dapat patawan ng national wealth tax.

Sinabi ni Bulacan Gov. Daniel Fernando na ang tubig ay maituturing na natural wealth sa ilalim ng 1987 Constitution.

Simqbi ni Fernando na nakasaad din sa Local Government Code ang pagkakaroon ng patas na hatian para sa mga lokal na pamahalaan mula sa pagamit ng likas na yaman sa kanilang lugar.

Una nang binawi ng SC ang desisyun ng mababqng korte na nag-uutos aa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na ibigay sa Bulacan ang parte ng kinita sa pagamit ng Angar Dam.

Sinabi ng SC na bagaman nakalagay sa Konstitusyon na may parte ang mga lokal na pamahalaan sa pagamit ng mga likas na yaman sa kanilang lugar, ang tubig mula sa mga dam ay maituturing na “deemed appropriated” sa ilalim ng Water Code of the Philippines.

Ang Angat Dam ang pangunahing pinagkuluhanan ng inuming tubig ng mga taga Metro Manila. TERESA TAVARES