Home NATIONWIDE SC: Bentahan ng lupa, ‘di balido kung alam ng bumili na peke...

SC: Bentahan ng lupa, ‘di balido kung alam ng bumili na peke ang may-ari

261
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Ipinasya ng Korte Suprema na walang bisa ang bentahan ng lupa kung alam ng bumibili na hindi tunay na may-ari ang nagbenta.

Ang kaso ay tumutukoy sa dalawang lote sa Tacloban na minana ni Adolfo de Guia. Inilipat niya pansamantala ang titulo kay Bayani Cerilla para bayaran ang utang, ngunit may kasunduan silang ibabalik ito kay de Guia.

Kalaunan, ginamit ni Cerilla ang lupa bilang kolateral sa utang kay Edward Ciacho. Nang hindi siya makabayad, pinapirma siya ni Ciacho ng deed of sale ngunit pinakiusapan na huwag iparehistro sa kanyang pangalan. Sa kabila nito, inilipat ni Ciacho ang titulo sa kanyang pangalan, kaya nagsampa ng kaso si de Guia.

Nagpasya ang RTC at Court of Appeals pabor kay de Guia, at kinatigan ito ng Korte Suprema. Ayon sa desisyon, hindi totoong may intensyong ibenta ni de Guia ang lupa kay Cerilla, na tumulong lamang sa papeles. Hindi rin maituturing si Ciacho bilang inosenteng mamimili dahil alam niya ang legal na karapatan ni de Guia.

Ayon sa SC, hindi maaaring maging balidong mamimili ang isang tao kung may alam siyang problema o karapatan ng iba sa lupa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here