Home NATIONWIDE Higit 20K kolorum nahuli ng LTO nitong Hulyo

Higit 20K kolorum nahuli ng LTO nitong Hulyo

268
0

MANILA, Philippines – Aabot sa 20,089 na “colorum” o hindi rehistradong sasakyan ang nahuli ng Land Transportation Office (LTO) noong Hulyo bilang bahagi ng kanilang kampanya para sa kaligtasan sa kalsada.

Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, hindi lang ito tungkol sa obligasyon sa batas kundi sa kaligtasan, dahil kailangang pumasa sa inspeksyon ang sasakyan bago ito mairehistro.

Sa mga nahuli, 12,672 ay motorsiklo, 3,712 tricycle, 1,800 van, 887 sedan, 646 trak, 253 SUV, at 119 jeepney at bus. Pinakamaraming huli ay sa Calabarzon, Cagayan Valley, at Mimaropa.

Ang mga mahuhuling motorista ay pagmumultahin ng ₱10,000 at kailangang bayaran ang late registration fee. Kailangang pumasa sa roadworthiness inspection ang mga impounded na sasakyan bago maibalik sa may-ari.

Mas mainam na magparehistro na lang, ayon kay Mendoza, upang makaiwas sa multa at makagamit ng sasakyan nang walang pangamba. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here